Warning: Clingy Post

Since you guys never let me express anything for your testimonials(and I understand since 250 word won’t suffice) and I never really had a chance to explain myself for my past actions(though for real friends doesn’t need explanations) and I terribly miss you all and at the same time terribly sorry that I wouldn’t be able to attend our graduation and our thesis defense for some undisclosed reasons that you may or you may not know. Still, I want the bond of our bloc to be still the same, if not strengthened further for the next incoming years. :) This would be a temporary goodbye messages or see you soon messages since I generally don’t say “good bye” because I’m a clingy person and silly enough to believe that goodbyes are absolute.

sablaycoloraccent

Let’s start with:

Ellison, you were the most quiet graduate and the person that I never really got in touch with maliban nalang kung violin o homework. Thank you for having the patience of my random shit. Hahaha. Salamat sa pagtuturo ng violin sa akin, mula Canon hanggang Only One ng Yellowcard. Hanep! Sana maging medyo mas sociable ka pa at nagkakasundo naman tayo ata kapag nagkaka-usap tayo. Magagamit mo yun, saka medyo may pagkalate bloomer ka at masipag! Malaki potential mo :) Keep up the good work :D Wala na tayo masyadong moments kundi yung kulit ko sayo :)) Dami nagsasabi sa akin na ang gwapo mo daw! AHAHA

Reggie, you have the most vibrant smile of the graduates. Dun palang kuhang-kuha mo na puso ko. Deh. Your smile keeps the people’s hopes up, maliban na sa cute ka at masipag, sobrang bait mo pa. Though masungit minsan, parang hindi pa rin halata. Pasensya na kung parati akong tamad at marami ka nang nagawa para sa akin at kung madalas kang nagagalit(o parang nagagalit) tapos ‘di ako nagsosorry. Sorry :) at siyempre salamat. :D hinding hindi ko makakalimutan yung smiley mo kasi kulang yung :D para maexpress yung smile mo kaya :DD dapat. Totoo na crush kita at tulad nga ng sinabi mo “We’ll cross the bridge when we get there”. Kung nagkaroon man ako ng point dun. Haha.

Julia, you’re the most mature? hahaha. wala lang akong mahanap na salita pero sa tingin ko ikaw yung pinakapraktikal, critikal, prangka at nagsisilbing nanay ng bloc kahit hindi halata. Madami tayong usapan or heart to heart kumbaga(deh) at ganun nga, hindi mahirap mag-open up sayo ng mga topics tungkol sa bagay bagay na pribado AKA pangbabackstab. HAHA. Joke. Magaling ka nagweigh ng options at kung ayaw mo, ayaw mo talaga. May paninindigan sa salita at kaya mong tumayo sa sarili mong pananaw :D Saludo ako sayo. Walang oras na nagkaroon na dead air sa atin(ata. haha). At sa mga paghatid ko sayo, kala ko sparks, lindol lang pala. :P

Credits to Jesie Castro, retrieved April 26, 2013 from Overheard at UP

Maria Ella, ikaw yung pinakamabait(mag-rereact si Julia dito, hahaha). Hindi ko alam kung saan mo napupulot yung bait mo. Kumbaga tipong magsosorry ka na nagsungit ka pero wala naman kaming naalala na nagsungit ka. Napakalinis siguro ng kunsensya mo parati ‘no? :)) Actually may testimonial naman ako sayo ‘di ba? Sinabi ko ata pinakamaganda ka dun? Ikaw yung pinakamadali (at sorry kung parang abuso) hingan ng favor sa ating lahat. Swerte si Stephen sayo! hahaha. Ikaw din madalas kong kasama noong nakaraan na semestre at alam mo naman siguro kung anong baku-bako ang pinagdaanan ng pesteng pag-ibig na yan(hahah, joke lang ‘di ako bitter). Salamat sa pagsama sa akin nung gabi na yun at pagbigay nung journal niya. It meant a lot to me :’c hahaha. Sa mga post-it at mga kalokohan kong sinakyan mo, yung violin saka yung photoshoot natin sa near future! Paseksi ka na para dun saka yung costume mo! Dapat kumpleto. Hahaha. Good luck sa singing career mo, baka pagnagtransform ka na ng tuluyan matupad na yung life long dream mong kumanta. haha :D

Andrea Gracia, pinakaclingy? deeh. Ikaw yung pinakacool at pinakamabilis mataranta tapos napakanegative. Ako postive tapos opposites attract. hahaha, positive na may baby sa tiyan. Ikaw yung naging kaclose ko 3rd year onwards since nawala kayo ni *Michiko* tapos iiwan ka na ng blocmates mo nung time na yun. Ikaw yung parating nandiyan kapag kailangan ko ng kausap, kasama o kalandian. DEH. hahaha. Landi landi din pag may time. Ikaw din nagbibigay sa akin ng mga kanta at mga dapat panuorin na shit. Tapos parating feeling ko witty ako kapag kasama kita kasi lahat ng kasabugan at kasabawan ko sinasakyan mo. Though ‘di mo pa alam yung storya at ikaw ang nakasama ko nung New Year’s Eve. Nagpapasalamat ako sa masarap na pagkain ko nung nanggaling ako somewhere over the rainbow. I really enjoy your company at magsexy-tary ka na sa amin ni Arthur! Tatanggalin na namin yung height requirement kapag ikaw nag-apply, ahahah. :D

Wilbur, ikaw yung pinakathoughtful. Tipong tatawagin mo pa kami lahat, ganyan. Though alam kong thoughtful din ako kaso tamad kasi ako gawin yung mga ginagawa mo. Tatawag ka pa gamit cellphone ko, ikaw yung madalas mag-aya at pinakanagger na hindi mo mahihindi-an. Tipong magtatampo ka kapag ‘di ako pumunta. Salamat sa tiwala at respeto ‘tol. Tama tayo, puso lang, tiwala lang. Atleast pag yun ginawa mo, alam mong ‘di ka nagkulang at hindi ka nagkamali kasi sinunod mo yung sigaw ng puso at damdamin mo. Hahaha. Inoversell mo pa ko sa pinsan mong maganda. Hahaha! Madami ka nang pinagdaanan ‘tol, ako nga ganito palang muntik ko pang ‘di nalagpasan. Hanep ka ‘tol. Respeto! Magaling ka din magkwento, tipong masarap pakinggan at malaman. Sayang ‘di mo natanggap yung text ko sayo nung kaarawan mo. Nakaka-antig ng puso yun! Malayo mararating mo ‘tol! Tiwala lang. Puso lang! :D

Sana mapatawad niyo ako at hindi ako nakadalo ng Graduation, gustong-gusto ko talaga, actually nakaplano na nga ang lahat eh :). Babawi ako. Nangangako ako. Magiging politiko ako kaya asahan niyong mapapako yan. hahaha. Artista muna pala. :)) Sasabihin ko rin na hindi ako bitter na ‘di ako nakasabay(or baka hindi NA) kasi baka nafeel niyo na lumayo ako or malungkot kayo pagnandun ako kasi ‘di kayo makapag-usap tungkol grad or baka magmukha kayong insensitive. Worry not, hindi yun yung pinoproblema ko buong 2nd sem, dumagdag nalang yun at hindi naman talaga big deal yun(maliban sa pangarap/goal ko. hahaha, isang taon din, sa bagay kasalanan ko). :D

Salamat sa lahat at alam kong hindi pa naman ito ang huli nating pagsasama lahat. Ang tanging hiling ko lang sana, we keep in touch. Parang sila Miguel, we have each other’s backs whenever and wherever we go. :D Outing din tayo! Tipong Pagudpod natin last time :D Julia, Burgos nalang ulit! HAHA! Kita-kita sa 2nd sem, or kung punta kayo Manila isang text lang ako(though ‘di talaga ko sure kung pwede ako for a few months). Good luck sa ating lahat, kahit ‘di talaga rin ako naniniwala sa good luck! :D

Sabi nga ng marami, hindi dito nagtatapos, simula palang ito ng panibagong kabanata ng buhay. Ako naman sabi ko, matagal nang nagsimula, maarte ka lang. AHAHA.

Advertisements

2 thoughts on “Warning: Clingy Post

  1. Pingback: Mahirap Magpalaki ng Magulang | Lacklustered

  2. Pingback: To Do Lists that Never Gets Done | Lacklustered

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s