Mahirap Magpalaki ng Magulang

Ito ang paborito kong litrato(well, na luma at nakita ko) ng aking mga magulang. Tipong pagkatingin ko, “Shet, ‘di nagkamali si daddy. Nakajackpot sa chicks!” at siyempre ang nanay ko napakaganda pa rin naman hanggang ngayon at wala talagang pagkakamali si daddy(lalo na’t wala ako kung wala sila). :)

kamukhamodaddymo

Gusto ko lang mag-erase ng pangalan at profile picture, ehe. Pinost ko kasi sa facebook/instagram yung picture na yan eh. Maniwala kayo dun sa wala akong chicks! :D

Kamukhang kamukha ko daw tatay ko, hindi naman ako tumatanggi, maliban sa siyempre tatay ko yan ay napakagwapo ni daddy. Pero siyempre, ‘di natin maiiwasang magtaka or manliit ang mata kasi parang pambobola lang talaga o tipong “formality” sa ating mga Pilipino na bumati ng “Uy, ang gwapo naman nitong anak mo, kamukhang kamukha ng tatay. Siyempre hawig din ng mommy, nakuha ng mata“o “Nako, may anak akong babae kasing edad mo, papaligawan ko sayo“, pero siyempre magtataka ka dun sa nahuli :P.

Hindi nagtatapos diyan ang usapang akads, “Anong year na ‘tong anak mo?“, “Ah, graduate na? Anong course?” at kapag nalamang Physics ka. “So anong trabaho mo after?“, “Ang talino naman ng anak mo“, “Saan ka magtuturo?“, “Anong square root ng 144?“, “Nako, yun yung kahinaan kong subject noon eh” at kung anu-ano pang puri at stereotyping ma-iisip mo at sasagutin mo nalang ng “Opo“, “Ay, plano ko pa pong mag-aral after“, “Hindi lang naman po pagtuturo ang pwedeng gawin kapag Physics eh“, “Actually plano ko po maging scientist“. At pagkatapos nila marinig yung “scientist” kung anu-anong shit na yung maririnig mo at sasagutin ko nalang sila ng tawa at ngiti, shy ako eh. :)

Pero teka! Lumalayo tayo sa topic!

Bakit nga ba mahirap magpalaki ng magulang?

Actually itong post na ito ay napaka-overdue na, buhay pa si daddy noong plano kong gawin ‘to at may nagawa na kong dalawang ibang post (isang draft pa din at isang nakapost na: “Warning: Clingy Post“) bago ko man isulat ‘to pero nakahanda na yung titulo na “Mahirap Magpalaki ng Magulang” na maraming tao na rin ang nakapagsabi at mukha nga namang totoo. Hindi sa sinasabi kong madali akong palakihin o mas madaling magpalaki ng makukulit na bata(kasi ‘di ko naman naranasan ngunit madali akong palakihin! haha, taba ko eh), hayaan niyo muna akong magpaliwanag.

Kapag tumatagal kasi ang isang tao sa mundong ito, may mga tendency na kumitid ang pag-iisip at/o tumigas ang ulo natin lalo na’t sa edad daw proportional o nasusukat ang kaalaman at experience. Kahit na may punto ang kasabihan na yun, ‘di naman parating ganun lalo na’t nag-iiba ang panahon at henerasyon. Bumibilis pa ang pagbabago sa pamamagitan ng iba’t ibang teknolohiya at kung anu-anong shit na binabato ng media. Maliban dito, isang balakid sa atin kaya ‘di tayo maka-hindi sa kanila ay ang pagpapahalaga sa pamilya at respeto sa nakakatanda at umaruga sa atin. Utang na loob kumbaga, kahit alam mong tama ka, mahirap ipaglaban(kahit alam mong dapat ipaglaban).

Ang kwento/lathala/sulat na ‘to ay para sa aking tatay(kay daddy na muna mommy, may time na sa Linggo, Mother’s Day :P):

IMG_2674

Kakamatay lang ng aking tatay noong nakaraang Linggo, kaya naunsiyami ang paglalathala ko, isang linggo ako nandun sa chapel sa Phil Am Homes(Sta. Rita) kung saan nakalagak ang katawan at kabaong ng aking tatay. Lunes ng umaga noon at ‘di mo talaga aasahan na ganun ang pangyayari. Bigla-biglaan. Tulad nga ng sinasabi ng nanay ko, “Parang teleserye”. Hindi pala nagloloko ang ABS-CBN at ang mga acting ng actor at actress kung gaano kasaklap at gaano kalungkot ang mga ganoong pangyayari. Tulad ng pag-ibig, unexplainable feeling, kasalungat lang siguro kasi nananaig ang kalungkutan kesa sa saya(paano ka naman magiging masaya?). Lalo na siguro’t isang tumatagingting na “Cardiac Arrest” at nakakapanlugmok na “DOA” ang makikita mo sa papel o “Dead On Arrival”. Bago ka pa dumating sa ospital(Philippine Heart Center), pinipilit mong maging optimistic at sabi mo sa sarili, “kaya mo yan daddy”. Akala mo kay Rico Yan lang nangyayari yun na idolo mo nung bata na ‘di mo din aasahang babawian siya ng buhay ng ganoon kaaga.

Tulala’t ‘di malaman ang gagawin sa ospital lalo na’t maaaring ikaw na ang padre de pamilya at makikita mo ang reyna ng tahanan umiiyak at ‘di mapalagay. Madaming tumatakbo sa isip at pilit mo nalang pinipigilan para maalagaan ang nanay at pakalmahin sa pag-iyak. Marahil ngayon ay maaari na akong magbiro at magbuhos ng matatalinghagang salita sa pangyayari  dahil yun naman ang alam kong gawin at kung saan ako magaling ngunit alam nating andito pa rin ang sugat, sariwang-sariwa. Tipong, parang may kulang.

Wala na pala si daddy.

Taliwas sa sinabi ko kanina(na parang teleserye), yung mga huling salita sa akin ng tatay ko ay hindi ganun nakakaantig ng puso(pero siyempre yung huling buwan niya ay isa sa pinakamasayang mga panahon sa buhay ko, masarap din mag-alaga talaga lalo na kung gusto mo at mahal mo yung inaalagaan mo). Parati niyang tinatanong kung “Anong oras na?”. Sabi ko naman, “4:30” ng medyo pagalit na kasi every 15-30 minutes nagpapabangon siya at nagtatanong ng oras. “Matagal ba kong nakatulog?” at noong mga nakaraan na araw, “Anong araw na ngayon?”, “Hindi, Sabado na!”(kahit Biyernes palang).

Kwento nga ng nanay ko sa iba, “Para ikang nagbabadya na mamatay”. Humihiling na din si daddy ng mga gusto niyang pagkain at tinuruan niya kami ni mommy ng kung anu-anong bagay na kelangan namin na madalas siya gumagawa. Proposal ni mommy para sa pagbebenta ng insurance, pagmamaintanance ng sasakyan at marami pang iba. Hindi natin alam kung alam na nga ni daddy, parang “100 Days to Heaven” ang peg. Speaking of “100 Days to Heaven”, siya din yung adik na adik sa “Be Careful With My Heart”, “Mutya”, “May Bukas Pa” at mga teleserye na madaming nagsasabing corny daw pero nakakaaliw naman talaga panuorin lalo na kung trip mo lang panuorin. (Pero nakakakilig talaga yung “Be Careful With My Heart”, Sir Chief <3). Naalala ko bago ako bumaba ng Baguio patungo ng Maynila, nanuod ako ng “Big Daddy”, mangiyak-ngiyak ako noon kasi namimiss ko si daddy at nasa ospital na siya noon. Yun yung isa sa mga movie na pinanuod namin magkasama, yung pag-ihi sa pader, tinuro din niya sa akin yun pero sa gulong ng sasakyan namin noong nasa Pangasinan kami noong akong batang-bata pa. :’)

Naalala ko din yung pelikulang “Anger Management” at na-LSS ka pa sa kanta, “I feel pretty, o so pretty”. Yun daw kakantahin mo kapag galit ka para lumamig ulo kasi si daddy mainitin ang ulo lalo na kay mommy, actually pareho sila. “Allergic nga yan sa akin” sabi ni mommy pabiro sa nurse kasi tinatanong kung may allergies ba si daddy habang kinalabit ko si mommy parang “ops, foul”.

For twenty years ako ang naging referee nilang dalawa(bawasan natin ng four years kasi nag-aral ako sa Baguio ng 4 years, na mababanggit din sa mga susunod kong post), naging saksi ako sa tunay na pag-ibig. Akala ko si Dyesebel lang ang nakakahanap ng tunay na pag-ibig na si Fredo at ang halik ng tunay na pag-ibig ang magbibigay sa kanya ng mga paa, hindi pala. Inaamin ko na hindi perpekto ang relasyon ng aking mga magulang pero masasabi kong tunay ang pag-iibigan nila. Sabihin mang ako ang nagbuklod sa kanila kaya’t ‘di sila makapaghiwalay, masasabi kong hindi lang naman ako ang dahilan. Madami-daming hirap at pag-uunawa ang pinagdaraanan nilang dalawa at ang naging susi, ang kapatawaran. Hinding-hindi ko makakalimutan ang leksyon na ito, na mayroong pa ring “tunay na pag-ibig” at aasa pa rin akong ito’y aking makakamtan. :)

Si daddy din ang nagbigay sa akin ng mga musika na aking pinapakinggan, yung musika kasi halos kalahati na ng buhay ko yan eh. Hindi ako makakatulog ng wala niyan. Mula kay Sitti, Louis Armstrong, The Beatles at yung mga classic na luma na paborito ko ngayon. Siyempre yun na rin yung humubog ng pagkagusto ko sa Indie Rock/Alternative Rock at old songs, actually wala naman akong genre na hilig, tenga at puso lang ang pinapairal ko diyan(well, sa halos kahit ano naman).

IMG_2611
Wacky parang ako lang :))

Sa kanya ko rin namana yung full bird ko, este, full beard. Yung kagwapuhan, kawitty-han, kacornyhan, talino sa math, paninindigan saka yung mga wacky na pose sa litrato, ‘di ko talaga inaasahan yun pati yung mga pose. Yung ngiti din ata, yung ngipin ko kasi “maganda” daw katulad ng kay daddy (aw, no braces for me :( ). Siyempre, yung lakas sa chicks, nasa dugo ata namin yun eh! (Pero, ‘di ako malakas, lapitin siguro. DEH. Basta #medyogoodboy tayo).

timberland 058
Magpapicture sa artista na cardboard: Check!

IMG_2634

Weirdo magpose: Check!

IMG_2613
Anglas magpose kasama ang nanay: Check!

Sa kanya ko nakuha yung kapag tinanong ka ng kahera: “May smaller bill po kayo?” sasagot ng may pagkahysterical or parang nanggagago na “Eh miss pare-pareho lang naman ng sukat yan eh”. Yung “Biogesic”, ibig sabihin pala “Ingat ka sa biyahe” dahil sa commercial ni John Lloyd. Siya nagturo sa akin maging mabilis sa pagpick-up, mapajoke man o chicks. Deh.

Marami akong nakuha sa tatay ko, Leonardo version 2.0 nga ata ako eh. Sabi ng marami sa nanay ko, “Kaya mo yan Bless, hindi ka naman iniwan ni Leo o. Kapag namimiss mo asawa mo tingin ka lang kay Michiko”. Nafefeel ko rin na yung ugali ko parang kay daddy; well ‘di ko alam kung good or bad yun. :))

Hindi din alam ng madami na may kapatid ako, “Sabi mo wala kang kapatid”, “Akala ko ba only child ka?”. Siyempre showbiz tayo eh! Nakasulat sa papel yun, ‘di naman ako nagsisinungaling at pinagmamalaki ko na may dalawa akong nakakatandang kapatid na lalaki. Close naman ako sa kanila at walang alitan na nangyayari, yung isa nga kasama ko din lumaki sa bahay kasi madalas din siyang andun. Yun nagturo sa akin pumito at nararamdaman ko sa kanya talaga ang aruga ng nakakalaking kuya. Yung isa naman parang daddy na din(pinagprapraktisan ata ko, may asawa na eh. hahaha) pero ‘di kami halos ganun katagal nagkasama at niwrewrestling ako noong bata pa ako.

Ang tatay ko rin ay kontento sa kahit anong ibigay mo sa kanya(maselan lang talaga sa pagkain) na kapag sobra sobra yung atensyon mo sa kanya nagagalit siya(ako din eh). Eh palibhasa si mommy napakakulit, bagay na bagay sa trabaho niya magbenta ng insurance :)). Nagjojoke nga sila noong 20th wedding anniversary nila eh, pinapili daw kasi si daddy kung papakasalan niya si mommy o makukulong siya ng 20 years. Sabi ba naman “Eh ‘di sana laya na ako ngayon”. :))

Marami pa sana kong ikwekwento pero nakuha niyo naman siguro na yung tatay ko ay isa sa pinakanakaimpluensya sa buhay ko. Sa kung anumang pagkukulang niya at pagkakamali, ako na ang humihingi ng dispensa at patawad. Kumbaga pasan ko na ang utang na loob ni daddy, salamat sa lahat ng pumunta at dapat pupunta at nag-abot ng pakikiramay sa aming pamilya. Sa barkada ko noong highschool, sa 4th year highschool section ko, sa blocmates at Physics Sphere, sa Heaven(barkada ko noong highschool) at kay Angeli, salamat :).

Tatapusin ko nalang siguro ‘to sa maikling mensahe para sayo daddy:
Maraming salamat sa lahat daddy, kung ako siguro magiging tatay pareho tayo ng style ng pagpapalaki sa anak. ‘di tayo yung ideal na close na magtatay na parating nag-uusap tungkol sa bagay bagay dahil alam mo namang hindi ako ganun ka-open kahit kay mommy at alam kong ikaw din hindi ganun. Namimiss ko yung mga road trip natin at ako yung nasa tabi mo sa sasakyan habang nagdradrive ka ako yung nagpapanatiling gising sayo, lahat ng tanong ko sinasagot mo at tinuro mo sa aking sumagot ng maayos sa tanong. Ako rin yung DJ mo noon sa stereo ng sasakyan at nagbibilang pa tayo ng mga gasolinahan habang tulog si mommy sa likod. Petron ako, Caltex ka, Shell si mommy. Parating talo si mommy at kung saan-saan mo dinadaan yung sasakyan para madaming Caltex pero parati pa rin akong nanalo. :)) Pareho tayong ‘di marunong mag-express ng sarili natin pero we have our own ways to express each other’s love. Medyo nagsisisi nga ako na ‘di kita naalagaan agad at nasa Baguio ako for 4 years pero sana nakabawi naman ako sa isang buwan nating pagsasama. Kahit matigas ang ulo mo at ayaw mo uminom ng gamot mo sa puso, nakita naman talaga namin ni mommy na mas matamlay at ‘di ka makakain kapag umiinom ng gamot. Masama mang isipin pero isang buong semestre ko pinaghandaan na humarap sa inyo ni mommy kasi ‘di ko alam kung paano ko pagsasabayin yung depresyon ko sa akads, sa pag-ibig at sa pamilya. Nagkataon nga naman na sabay sabay pa sila. Hindi man tayo nagkasama noong huling pasko, bagong taon na kung saan naospital ka at nagbati kayo ni daddy at ang huling pagsasama nating buong pamilya bago noong holy week ay noong kaarawan “natin” kasi lahat tayo October, walang nagbago sa pagmamahal at pagmamalasakit natin ni mommy sa isa’t isa. Ikaw na rin nagsabi na pagpasensyahan ko na si mommy dahil sa sobrang kulit kahit ikaw naman parating nagagalit kay mommy :)) At hanggang sa huli mong pagkain na naubos mo yung scrambled eggs na paborito ko rin at yung kape na hindi ako umiinom tapos nahiga, natulog at pumikit ka lang saglit ay hindi naming inaasahang mawawala ka na sa aming piling. At sa ospital, sabi nga ni mommy huli daw na nawawala sa sense ng tao ay ang pandinig at sinabi ko sayo ng pabulong kung gaano kita kamahal.

I love you daddy! Ito yung mga salitang ‘di man natin binigkas sa isa’t isa pero alam naman na natin kaya hindi na kelangan(pero siyempre maarte tayo at gusto natin na sana sinabi nalang natin). Kahit wala akong girlfriend na napakilala sayo kasi gustong-gusto mo kong makapagpakilala ng girlfriend sayo at dodoblehin mo pa ang allowance ko kung sakali. Yung una kong girlfriend ‘di ko napakilala sayo (kung may girlfriend nga ba talaga ko :)) ) at siguro sabi mo “more girlfriends to come”. Kung gumagana lang talaga yung 1up ni Mario sa totoong buhay nagamit mo sana ‘to. :(

Hindi ka kasi nagcacandy crush, ‘di kita nabigyan ng life! :I

IMG_338125perca2

//

Advertisements

One thought on “Mahirap Magpalaki ng Magulang

  1. Pingback: To Do Lists that Never Gets Done | Lacklustered

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s